Thursday, May 6, 2010

I GOT BORED. SO WHAT?

Just another "boring" day, I went scribbling and editing. This is not a normal task in the office, but this is where I park my brain for a little while.

I remember using this ever-reliable graphic application since I was a kid. I drew bird, stick-man, (whatever) I wrote my name in different colors. Very classic rainbow.. :) I even cursed my kid-sister using this application (Hey, I was a kid back then!) And now I realize, my unusual hobby made my writing a bit better than everyone else using this app. (Hahaha, ang yabang!)


And then, I saw this cute image of a girl wearing something I find very interesting.

I graphically transformed her into a zombie! Yikes! :D


From paint, I moved into more detailed and organized post processing studio. I wanna learn more about it.

Tuesday, May 4, 2010

SIMPLE LANG AKONG TAO. ITO ANG GUSTO KO.

Ano pa nga bang mas sasaya sa listahan ng mga simpleng bagay na kukurot sa puso ko? Naisip ko lang lahat ng ito habang binabaybay ko ang kalsada pauwi sa aming tahanan.


  1. Gusto ko yung Banana Kyung lamog na binibili ko sa kalsada ng Rada.
  2. Gusto ko ng ulan kasi malamig at kung sswertehin, babaha at walang pasok.
  3. Gusto ko ng mahangin na palagid. Pero hindi naman yung tipong liliparin at kaluluwa at dignidad ko. :p
  4. Gusto kong naglalaro sa Timezone lalo na kapag libre. Kung sswertehin din, may makakaiwan ng Midnight Maximum 3D tune up card na International Level na at mapapasakamay ko.
  5. Gusto kong nananalo sa mga lalaki pag naglalaro ng racing game o kaya arcade basketball. Kapalit ng kulani sa kilikili.
  6. Gusto ko yung nadadamay ako sa pagpapaypay ng katabi kong matanda sa jeep.
  7. Gusto ko magstay sa loob ng 0 degree walk in freezer.
  8. Gusto ko din magpalamig ng Taro Pie sa walk in freezer.
  9. Gusto ko na tinatanong ako sa mga bagay bagay na may kaugnayan sa computer at applications nito kasi nagugoogle ko at nadadagdagan ang stock knowledge ko.
  10. Gusto ko ang gadgets lalo na yung maraming pindutan para kunwari henyo ako.
  11. Gusto kong kumakalikot ng mga folders sa PC ko at folders sa office networks. Magugulat na lang ako, sa loob ng accounting folders, may mga litrato ng mga kaopisina naming nakajersey ay madumi ang bibig dahil siguro sa pagkain ng manok sa tabi ng swimming pool.
  12. Gusto kong tumatawa ng malakas.
  13. Gusto kong naiinis sa pamangkin kong tatlong taon tapos mag-aaway kami. :p
  14. Gusto ko na sinasaway kami ng pamangkin kong tatlong taon habang nakasakay sya sa push cart sa loob ng grocery.
  15. Gusto ko yung humaharurot na sasakyan.
  16. Gusto ko ang pinakaweird na ad design.
  17. Gusto ko ang RNB, Trance, Alternative, Acoustic at Rock.
  18. Gusto kong naghahanap ng music files sa 4shared.com
  19. Gusto ko ang black.
  20. Gusto kong nanonood ng boxing kasama ang tatay ko kasi pwede akong magmura ng hindi ako napapagalitan. Hahahahaha!
  21. Gusto ko ng bike, motor at waveboard kahit makailang ulit na akong nababalatan sa dahilang pagkakabagsak ko habang nakasakay alin man sa tatlong nabanggit ko.
  22. Gusto kong tignan ang langit ng bandang 6PM kasi parang bulak ang mga ulap na kulay orange.
  23. Gusto ko magblog ng walang kwenta para less ang effort.
  24. Gusto ko si Snoopy at si Patrick at si Garfield.
  25. Gusto ko ang gaming magazines. At travel magazine katulad ng ROAM.
  26. Gusto ko magdrawing, magdesign at gusto kong maging interior designer.
  27. Gusto kong humawak ng walis.
  28. Gusto kong laging may PBB.
  29. Gusto ko ng jacket at sneakers.
  30. Gusto kong kumuha ng litrato ng mga batang makukulit.
  31. Gusto ko ng black ang white photography.
  32. Gusto ko na rin ng lomography.
  33. Gusto kong sumayaw na walang kokontra dahil fat ako. Hihihi.