- Cappucino is better with an extra fresh milk.
- When brewing cappucino, you have to watch out sa tube for the "foam" baka kasi sumabog.
- Mabigat pala pag pinagsama ang dalawang laptop sa isang bag.. :(
- Masarap ang blueberry tart pag paubos na.
- Mas masarap din ang croissant pag kinakamay. (Mga sosyal, beware!)
- Pag may dumating na Chancelor, wag kang gagalaw. Wag kang maingay. Tumingin ka lang sa papel mo. Wag kang kukurap!
- Maglakad pag nabore sa kakaupo sa labas ng function room. Libutin ang lahat ng daan papuntang Isla function room. (Kasi may event ang Canon. In winter wonderland. Baka may freebies pag nag-sign sa registration)
- Iwasang tumingin sa katabing event. Baka akalain nila, terorista ka. Do not stare, do not stare, do not stare!! (Oh God, I love her Mac!)
- Pag mga 10:00 AM sumasakit ang tiyan mo, wag ka ng kumain ng madami sa HEAT. Madami kasing event ang nakabook ngayong araw. Ibig sabihin, maraming tao sa rest room. Mawawalan ka ng privacy.
- Ang daming gwapong butlers! Lalo pag umaga. Kaya watch out for them!
- Pag naumay sa lunch, mag ice cream na lang. Maraming choices! Strawberry, ube, cookies and cream, vanilla and TADAAAAAA... Green tea flavor! (Imagine mo ang C2 green na frozen. Ganon!) Tapos budburan mo at lunurin sa chocolates, peaches, bananas, almonds, mallows, cereals, etc. Diabetes ang abot mo Tsong!
- Pag may road trip ka atleast a month ahead at need mo ng mga stocks na bottled mineralized water, dito libre! All you have to do is just grab one, put it inside your bag and within a minute may replacement na! Tsk, toxic lang sa earth kasi ang dami nilang plastic bottle pala na tinatapon.
- Dial 8 pag outside call.
- Magpatugtog ng classical na music habang ineenjoy ang pagkakape. Para feel mo ang "daylight (DSLR setting ito ha)" set-up ng paligid mo. Tapos floral floral pa ang wallpaper sa hallway. Parang bahay lang ni Beethoven.
- Shut down mo na ang laptop mo pag 11:30 AM na. Kakain na!!
- Beware sa presyo ng food sa Lobby Lounge!!
Oh my God, Oh my God! Sa presyong yan, kakain na lang ako sa Max's, ililibre ko na lang ang mga kapatid ko! - Magrespond sa mga tao pag binati ka ng "good morning" at "good afternoon". It is not everyday you'll encounter such hospitality. (And a stranger will acknowledge your presence!) Oha!
- Ang mga cup saucers nila are made from paper. To peel them out, all you have to do is soak the gilid wet, and peel it like a sticker! VOILA! Dalawang cup saucer in an instant!
- It will take them a minimum of two minutes and a maximum of three hours bago ibigay ang car pass! OMG!
- May BPI ATM card sa lower lobby. (Just in case you ran out of cold hard cash!)
- Pag nagserve sila ng coffee, dalawang klase ng sugar ang ibibigay nila. Isang ordinary sugar at brown sugar. Gamitin mo na lang yung ordinary sa coffee mo. Tapos yung brown, ibulsa mo. Pwede mong papakin pag inantok ka. Pero kung hardcore ka, ibulsa mo yung dalawa at magrequest ka ng Splenda.. :)
- Wag kakalimutan ang sauce ng lechon.
- Masarap ang combination ng ube at cookies and cream with banana sa mango crepe.
- Kung gusto mong mawala ang asawa mong epal sa buhay mo, ilapag mo lang sa table ng HEAT kasama ang soiled plates mo. Pagbalik mo, bagong plates na! AMBILIS!
Hay naku po! Naka limang set ako ng ice cream kanina. 2 scoops sa apat na set. Yung pang lima, isa na lang. Hindi na kaya e. Hehehe.
No comments:
Post a Comment