Usually when people are sad, they don’t do anything. They just cry over their condition. But when they get angry, they bring about a change.
Naisulat ko ito, limang buwan na ang nakalilipas. At dahil down ako ngayon at medyo kailangan kong magfree up ng memory sa laptop, e ipopost ko na din ito. Sayang e.
April 9, 2010
Kasalukuyan akong nagbbrowse ng CDs na galing sa dati kong trabaho ng makita ko ang mga images na galing sa PC ko doon. Nalungkot ako na masaya. Kasi naalala ko kung gaano ko kabisado ang ginagawa ko kahit gaano katoxic dahil sa mga tao. Bigla kong naisip, kaya ko naming tumagal doon sana. Kung hindi lang ako napagod sa mga taong nakakasama ko. Puro away, puro chismis. Hindi ko akalaing isang araw, maaapektuhan ako ng pagiging mapulitiko nilang lahat doon despite the fact that before, wala akong pakialam sa kanila. Siguro yung point na nakatrabaho ko ng diretso ang taong walang sariling desisyon at isang salita, doon ko narealize na ayaw ko na. Ang tagal ko palang nagtiis. Masaya naman ako noon e. Kung sanang napansin nila ang mga effort ng bawat isa at hindi sila naghahanap ng butas para ituro ang mali ng iba at sila ang bumango sa mata ng big boss, nandon pa sana ang mga taong nagresign sa loob ng isang taon. Si Madam, January. Si Senior Artist, August. At ako, October.
Akala ko kasi, kaya kong tiisin. Pero dumating ang isang araw na nasali ako sa isang hindi magandang sentence na nilabas ng isang kaopisina. Doon nagpantig ang tenga ko. Sa loob loob ko, hindi mo pwedeng sabihin sa akin yan! Ako ang napasama sa boss mo na boss ng lahat, ako na naman ang tanga, ako na naman lahat! Nakakasawa! Kung gusto kong magbago para sa sarili ko, magbabago ako. Kaya lang hindi. Kahit anong pilit kong pagbabago, nandyan pa rin sila at hinihila ang katauhan ko. Mababa na nga ang tingin ko sa sarili ko, mas lalo pa nya akong hinihila dahil sa ugali nyang patapon! Ngayon, pwede ko ng sabihin na may mga tao talagang hindi mabait professionally. Kunsabagay, sa mga lumalabas sa bibig nya, alam ko ng hindi sya mabuting tao. Sa mga kwento ng kanyang kaibigan na pribado at sasabihin sa akin, doon pa lang, alam ko na hindi na sya dapat pagkatiwalaan. Ang dami kong naranasan. Nagbulag-bulagan na lang ako. Dahil sabi ko sa sarili ko, mas magiging propesyonal akong tao kesa sayo kahit pumapasok akong nakatshirt, jeans at sneakers. Napagalaman ko din na wala sa sinusuot ng tao yan. Nasa ugali yan at pakikitungo sa tao. Ang ganda nga ng damit mo, binili mo sa Marks and Spencer o sa Lacoste, ang cheap naman ng ugali mo. Mas cheap pa sa mga bilihin sa Divisoria. Mas maganda pa nga ang tinda doon kahit mura. May kotse ka nga, nakakasakay ka sa aircon papasok at pauwi. Hindi ka naman makasakay sa usapan ng regular na tao sa advertising. Hindi mo alam ang sinasabi mo. Naturingan kang Alpha E, hindi mo alam ang takbo ng artworks at ang prosesong ikaw mismo ang nagpropose. Sayang lang sya. Sayang ang mga oras nyang nagppretend syang alam nya na alam naman ng lahat na hindi nya alam.
Mahirap pag mabait ka sa kanila. Mahirap pag hindi ka nagsasalita. Ikaw ang masama dahil iniisip mo ang magiging pakiramdam nila at kung magiging ano sila sayo pagkatapos mong depensahan ang sarili mo. Hindi rin ako naniniwala na magiging dalawa ang katauhan mo sa loob at labas ng opisina. Sa loob ng opisina, pwede kang magalit sa kanila. Propesyonal ka e. Kumbaga, trabaho lang. Pero sa labas, “Uy prenship, lafang tayo sa labas! Treat ko!” Pagtalikod mo, hindi mo alam may nakasalubong na syang kaopisina nyo na buddy buddy nya. Ayun, naikwento ka pa! Ang tanga tanga mo daw, hindi ka marunong makinig at kung ano ano pa. Sabay hila ng konti para neutral: “Pero mabait naman yung taong yun. Minsan lang talaga, parang wala sa sarili.”
Ay sos! Binawi na, nanagasa pa. Okay lang, pinakain ka naman e. E malas lang nya, prenship mo naman yung assistant nung sinabihan nya. E sinabi sayo.. Patay tayo jan! Hindi mawawala yan sa loob ng opisina. Palibhasa kasi, may oras chumismax. At yan pa yung mga taong mayaman sa pambili ng pabango sa mata ni bossing ha. Punong puno na ng meeting yan ha. Partida. San ka pa?
Nakakalungkot. Napromote na ako sa posisyong trip na trip ko. Nagpplano sila ng hindi ko alam. Para ano? Para subukin kung ano ang kaya ko? Para subukan kung kaya kong pumasok ng maaga at ayusin ang updating ko? Isa pa yan e. Ang updating.
ANG UPDATING
Kung sanang yung mga Alpha E, kayang sumunod sa patakaran, hindi ako mahihirapang magtrack. Kilala ko ang sarili ko. Tamad lang ako, pero hindi ako tanga. Lagi na lang akong nababaligtad sa mga paniniwala kong instructions na alam kong sinabi nila sa akin. Walang labis, walang kulang. Ang advantage nya lang sa akin, kaya nyang paikutin ang mga tao at paniwalain na lahat sinabi nya ng maayos. Walang dagdag bawas. Ang diperensya lang sa akin, alam kong hindi ako naniniwala sa kanya pero hindi ako kumibo. Mabait ako e. Anong laban ko? Malakas sya kay boss. Anong mapapala ko kung makikipagtalo ako? Ako lang ang magagalit. Manahimik na lang ako diba? Hindi daw maayos ang updating ko. Kesyo hindi ko daw napafollow up. Putangina, e bago ako magresign, napagalaman ko mismo sa bibig nya na tinetrain nya ako para maging Alpha E!!! Wala akong alam doon! At hindi ko pala dapat yun trabaho! Kaya nagkakandaloko loko ako sa trabaho dahil sa pagpapahirap nya na wala akong kaalam alam sa plano nya. Ginawa nila akong tanga! At ginagawa ko ang trabaho nya! Yan ba ang pagiging propesyonal? Sabihin nyo sa akin. Hindi ako tanga. Hindi ako mangmang na kahapon lang pinanganak. Isa ako sa bumuo ng proseso. Alam ko ang bawat isa nyan. Naging mabait lang ako. Piniling maging bulag sa mga pangyayaring hindi na kagandahan.
Masarap magpalate. Masarap maghalf day. Masarap magdahilan kung bakit ayaw mong pumasok ng maaga. Masarap magleave ng biglaan. Masarap maging tamad sa opisinang nagbigay sa akin ng dahilan para magrebelde. Ganon pala yon. Pag ayaw mo na, sasabog ka. Hindi ka nga magsasalita, mang-iinis ka na lang. Nagwagi ako na nainis sila. Natalo naman ako dahil ako ang unang nagresign. Ako pa rin pala ang napikon, hehehehe.
Walang katapusang pagaayos ng proseso. Mismo atang si Big Bird, hindi alam ang ginagawa. Nalulungkot ako dahil hindi ko na rin nakakasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko na nagagawang magdesign ng paunti unti para patunayan ang sarili ko na mas productive ako sa ibang bagay. Hindi ko man lang napatunayan sa kanilang mas magaling ako sa graphics. Para kahit pano, nakaramdam man lang sana ng hiya sa mga sarili nila na nung umpisa pa lang, ginawa na nila akong personal maid. E ilan sila? So ilan ang amo ko kuno?
Tuloy, kanina at ngayon, hindi ko na alam kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. Nalilito na naman ako. Ang dami kong gusto. Pero hindi ko alam kung tama bang ipursue ko lahat yon. I aim for higher education. Pero pakiramdam ko, wala akong pera para tustusan ang lahat ng iyon. Hindi ko na alam. Parang gusto ko na namang magisip. Nakakalungkot lang isipin. Parang kulang ang oras ko para gawin ang gusto ko. Ewan ko. Wala na akong natapos sa mga naumpisahan ko. At kadalasan, wala pa din akong nauumpisahan. Napufrustrate na naman ata ako. At baka dahil dito, maupset na naman ako. At ayoko na mangyari yun.
Gusto kong maglamyerda. Gusto ko na namang hanapin ang sarili ko. Parang hindi ako makakasurvive magisa.
Nalulungkot ako. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Alam ko, ang edad numero lang yan. Pero hindi sa trabaho. Hindi ka bumabata sa trabaho. Alam kong hindi ako makakapagaral kung wala akong goal. Ngayon narerealize ko na yun.
Hindi madaling magdecide.
No comments:
Post a Comment