Saturday, September 3, 2011

ANG POST NA WALANG KWENTA

Had I been impulsive and stubborn, I don't have an idea. I just need to get out again. I am missing my dear friends terribly. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong itaktak ang laptop, hindi ko alam kung anong hinahanap ko. Gusto kong lumabas. Ayokong matulog. Bakit hindi ko binigyan ang sarili ko ng oras para magisip? Bakit ako nagisip, kung magiging ganito naman pala ako?

Gusto kong tumayo, gusto kong humiga. Gusto kong buksan ang refrigerator at kumuha ng yelo. O maghanap ng Chuckie sa container. Gusto kong inumin ang Carlo Rossi. Gusto kong magtequilla. Gusto kong umalis. Maglaba kaya ako? Parang pagod na ako. Ano ang gagawin ko? Gusto kong magpost ng matino. Gusto kong magkwento tungkol sa bagong work pero hindi ko alam kung saan maguumpisa. Gusto kong mag Facebook pero ayoko na. Parang gusto ko na lang ilog-out.

Nako-confuse ako. Gusto ko bang magsound trip? O magmovie marathon? Gusto kong magdrawing. Gusto kong magblog. Gusto kong masaing sa ganitong oras. Tumingin sa kawalan, tumulala. Mainlove. I am inlove. Wag yan, lalandi na naman ako sa moment ko. Tsaka na ako haharot.

Gusto kong magenglish. Gusto kong magkapampangan. Gusto ko ng hotdog. Gusto kong magSogo. Gusto kong ayusin ang blog ko. Ano na? Ano na nga ba?


No comments: