Friday, May 27, 2011

ANTETENG KA TEKNOLOHIYA!



I felt the need to post. Wala lang, para masabing nakapagpost lang ako using my mobile phone. Tindi kasi ng technology. Naeelib ako, kaya lang tinatamad din akong pagaralan ngayon lahat. Feeling ko din kasi, yung time na gagamitin ko to study the newest hacking techniques, kulang na kulang. Marami akong pwedeng gawin. Hmm, ano pa ba?

Masaya ang araw na to. Lumipas ang Birthday ko na hindi ako tumangkad. Sabay kami ni Father dear na magblow ng candle. Kaya lang, hindi ko pa sya nabibilhan ng regalo. Mareklamo kasi yun.. Maarte, kala mo kagwapuhan. Hehe.. Gusto ko syang bilhan ng kyuwerti na phone kaya lang baka ibalibag sa akin. Imbes na salamat at kiss ang itanim nya sa
mukha ko, baka bukol lang. Hehe, kaya wag na. Kering keri na nya ang normal colored phone. Saka sa liit ng pindutan, baka abutin sya ng bente kwatro oras para buuin ang salitang "wer n u?"

Stig nga e. It got me thinking: bakit walang ganito noong 2002? Sabagay, 2004 nang magkaron ako ng Friendster account. Haytesh na yun. Tas diskette ang meron nun, walang USB. Nagkaron ako ng USB pero aksidente kong nalaman na pwede akong magsave ng .doc file sa mp3 player kong Muvo Creative na 250mb lang. Stig pa rin! Kaya may instant USB ako. 2005 yun.

2011 na ngayon. Paliitan na ng USB. Sa susunod, paimbisibolan na. TV nga, capable na ng internet. Sa susunod, sa salamin, pwede ka ng magteleport. Ewan ko sa iyo technology, para kang babae. Mabilis magbago! Minsan nabbwisit ako sayo kasi yung pinaglalawayan kong gadget na sobrang mahal, pag ready na akong bumili, phased out na! Anteteng ka.. Try mong sumabay sa akin, baka mahalin kita.

There. Typing like this is harder than I thought. I can't hold my phone properly overtime.

No comments: