It's sad today! Almost everyone is out of the office. They are attending some sort of training at Manila Grand Hotel in Avenida.. Kuya Totz is sick din. So, ako lang mag-isa sa Creatives. :( On the bright side, malakas ang hangin! Walang masyadong ulan pero literal, puro hangin lang. Nanunuot nga yung lamig ng hangin sa loob ng jacket ko. Madilim outside. I am wishing that somehow, maging ganito ang weather until tonight. But spare the unfortunate people na posibleng masalanta. Parang ang gulo ko ngayong umaga.
So yun. Nakikinig ako sa Tattoo ni Jordin Sparks today with Chuckie on the side. Good morning Manila! So-so ang travel ko earlier papunta sa office. Walang bago. Although yung katabi ko kamukha ni Alan David kaya okay lang. Papalibre sana ako ng pamasahe. So parang kunwari may kilala ako sa loob ng FX. I missed the FX na sinasakyan ni Vaneza earlier din. Sayang! Sana nakasakay ko na sya kanina. Sabi nya tinatawag nya ako, pero hindi ko naman narinig. Haha. Paos pala sya, kaya siguro mahina.
Kainis. Puro period! Ang dami kong sentences!
I guess, well - proven na mas mahirap mag-Tagalog pag magsusulat. Parang bawat words, matigas. Haha! Ewan! Dapat TagLish na lang para maarte.
Tatapusin ko na ang brochure ng Mega Gift Packs at ibang fliers na binigay ni Regi sa akin last Friday. Para bukas, if ever, mga revisions na lang ang aasikasuhin ko.
No comments:
Post a Comment