What happened to the private organization and the government's campaign on turning the world green? What happened to Save the Earth Project? What happened to the green bags and all the stuffs they are voicing out for us to hear and understand? These are all based on my personal views. It doesn't reflect my colleague's opinions. These are all based on my observations.
Earlier today, (or yesterday) we bought a meal from a famous Dagupan product known for their flat bread (Hihi) and signature spread. I was so excited to eat the corner while the ham's head is out and almost ready for its head-bite. Nagulat ako na nung itetake out na namin, plastic pa na makapal ang pinaglagyan ng food. Ay grabe! Paano mababawasan ang plastic sa mundo kung pati ang mga ganoong klase ng pagkain ay sinusupot pa?! They can always use the normal paper bag with their logo. What's so difficult about using this kind of bags? I'm so in favor of this because I am fascinated by its durability and well, by its over-all look. Just like of Mc Donald's delivery fry bag. Have you guys seen it? Sure you did.
I'm wondering: (I'm thinking about this for almost a week now) madidisiplina ba ang mga consumers kung maghihigpit ang mga grocery stores to bring their own green bag or atleast a normal bag for them to use instead of those yellow plastics? Nasa disiplina naman din ng mga consumers diba? I, for an instance. I brought my backpack last December to the mall. I bought a shirt and two VCDs lang. And my back pack's size is enormous! I'm also sick of collecting and folding grocery store plastic bags! (Or they can always re-use the plastics pala) Madali lang naman din gawin at isipin. If it happens, hindi lang naman tayong mga tao ang makikinabang dito. Mas lalo ang kalikasan. Sa nangyayari ngayon, mas kailangan natin ang magtulungan.
Pwede bang yung mga pabrika ng plastik ay maging pabrika ng papel na lang? At para magkaron ng supply ang pabrika ng papel, pwede bang ang mga sibilyan at mga boluntaryong tao ang magtulungan na magtanim ng sandamukal na puno para lang sa paggawa ng papel? Sa panahon ngayon, marami na rin nga pala ang nagtatayo ng Residential Projects kaya halos nababawasan na rin ang bundok na pwedeng pagtaniman ng mga puno. Hmm. Pwede bang puro condominiums na lang ang itayo para pataas na lang at hindi na kailangan ng napakalalawak ng lupain para ibuldozer at gawing tirahan ng mga premyadong tao sa mundo? Tutal uso naman ang tumira sa mga nagtataasang gusali. O pwedeng gawing standard na sa bawat bahay at lupa na bibilhin, kaakibat nito ang panghabambuhay na responsibilidad na magpalawak ng sariling puno na pwedeng sumipsip sa baha ng kanilang nasasakop na komunidad.
Nakakainis. Ang daming sanga ng mga pangyayari sa mundo. Hindi mo pwedeng galawin ang ganito kasi pag ginawa mo yun, apektado si ganito. At pag naapektuhan si ganito, babagsak naman ang ganon. Paano na ang kalikasan? Pano ba masosolusyunan ang pangkalahatang suliranin ng mundo? Pano ba maibabalik ang sigla ng kahapon? Makikita ko pa ba na asul ang mga lawa? Mararanasan ko pa bang sa gripo na lang ako ulit iinom ng tubig? Makakakita pa ba ako ng mga malalaking puno habang nagmamaneho sa kalsada? Gusto ko pang maabutan na sumisigla ang mundo. Gusto ko pang makita na ang mga tao ay nagkakaroon ng boluntaryong pakikipagtulungan sa mga nangangalaga ng kalikasan.
Sana matutong kumilos ang mga tao bago pa mangyari ang hindi inaasahan. Sa pagsusulat kong ito, alam kong kaunting porsyento lamang ang naiparating ko sa mga tao. Hindi lahat magttyagang basahin ito. Hindi lahat interesado. Isa lang naman ang hiling ko. Tulungan nyo lang po akong ikalat ang mensaheng nais kong iparating sa mundo. Sa paraang ito, magkaron man lang ang mga tao ng kaisipang kailangan pa nating umaksyon para sa kalikasan. Hindi naman ako ekonomista, hindi rin naman ako lumalaban sa kahit anong pampublikong karapatan. Isa lamang akong taong nagising sa isang plastik ng tindahan na madalas kong kainan.
No comments:
Post a Comment