Again, another entry personally written by Aivy. (Follow her on http://ayamayvy.blogspot.com)
Minsan naiisip ko, parang nasa akin ang problema. Karamihan sa mga barakada ko pulos lalaki. I have some female friends too, pero hindi ako kasing close sa kanila kumpara sa mga kabarkada kong lalaki. Bilang lang ang close kong babae.
I'm a touchy person. Malambing ako. Not that I'm trying to sell myself here, pero iyon ang totoo. Kapag may mga kaibigan ako, I usually ask him kung kumain na ba siya. Kapag alam kong may sakit siya ay kinukumusta ko ang pakiramdam nya. And I smile a lot. A tap here, an embrace of comfort there, a touch on the shoulder... Natural lang sa akin ang mga iyon. Pero madalas, nami-misinterpret ang mga iyon. The thing is, more often than not, nagugulat na lang ako na may gusto na sa akin ang isang kaibigan kong lalaki. Tapos syempre, dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya, napapaiwas ako. Then he'll end up feeling rejected. Ayokong manakit ng kaibigan, pero ayoko ring magpaasa ng tao.
It happened several times already. And more often than not, I lose a lot of treasured friends in the process. Ang sabi nila, nang-iiwan daw ako sa ere. Iyong iba naman syempre naiinis. I guess it can't be helped. Pakiramdam ko tuloy ay napakasama ko. That I'm a tease.
Kapag magkaibigan ang isang babae at isang lalaki, wala silang malisya. Pwede silang magharutan at sabay na kumain nang silang dalawa lang. Tapos kapag nalaman ng babae na may gusto sa kanya iyong kaibigan niyang lalaki, doon na nagkakaproblema.
It changes everything. Maiisip ng babae ang lahat ng pinagdaanan nilang magkaibigan - the lunch, the long walks, the silly conversations, and she wont be able to help but wonder whether her friend desired her then. Since they're friends, they would still act as normal as possible. Pero marami pa ring pagbabago.
After the secret is out, the girl would feel more guarded. Mawawala ang dating sweetness nilang magkaibigan. Maya't-maya ay iisipin nya na baka kapag ginawa pa rin nya iyong mga dating ginagawa nya, she might give her friend the wrong idea. That she might be giving him false hopes. The guy on the other hand will hate her because he felt unwanted. He will notice the difference in the small things. Hahanapin nya iyong mga bagay na dating mayroon sila. And he will learn to resent her. Hanggang sa isang araw magugulat na lang silang dalawa, na hindi na sila magkaibigan.
No comments:
Post a Comment